Congratulations to AgriSpecialist, Inc.!

BIO N MANUFACTURING PLANT VISIT SA SANTA ROSA, LAGUNA "Bumisita tayo kamakailan sa AgriSpecialist, Inc. (ASI) Bio N Manufacturing Plant sa Santa Rosa, Laguna—isang makabagong pasilidad na gumagawa ng world-class biofertilizer dito mismo sa bansa. Ang biofertilizers ay nagmumula sa beneficial microorganisms at nagsisilbing mas environment-friendly at mas abot-kayang alternatibo sa karaniwang chemical fertilizers. Ang microbial biofertilizer na ito ay dinevelop ng University of the Philippines Los Baños. Ayon sa mga mananaliksik, nakatutulong ito sa pagpapataas ng ani at kalidad ng mga pananim tulad ng mais at gulay, pagpapabuti ng kalusugan ng lupa, at pagpapanatiling malusog at luntian ang mga halaman kahit sa panahon ng tagtuyot o pag-atake ng peste. Nakababawas din ito sa insidente ng rice tungro at corn earworm. Nanawagan tayo sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Agriculture, na palawakin ang research, magbigay ng insentibo sa mga lokal na producer, at maglunsad ng mga training program para sa mga magsasaka hinggil sa paggamit ng biofertilizers. Hinihikayat din natin ang mas matibay na public-private partnerships upang mapabilis ang inobasyon at masiguro ang malawakang availability nito sa buong bansa. Sa gitna ng patuloy na sigalot sa Middle East na nakaapekto sa mahahalagang supply routes at nagdulot ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang fertilizer market, ang pagpapalawak ng lokal na produksyon ng biofertilizers ay makakatulong sa pagpapatatag ng presyo, pagpapabuti ng kalusugan ng lupa, at pagpapataas ng ani sa paglipas ng panahon."